Login with Facebook:
Log In
Powered by Sociable!

by Cerone Amir M. Velasco

Mabuting balita para sa mga guro at paaralan: may sarili nang dibisyon ng DepEd ang lungsod ng San Jose.  Dati, ang mga paaralan ng San Jose ay nasa ilalim ng pamamahala ng Dibisyon ng Nueva Ecija na nakahimpil sa lungsod ng Cabanatuan.  Ngayon ay maaari nang kumilos ang naturang dibisyon na hiwalay sa lalawigan ng Nueva Ecija hanggang sa ito ay magkaroon ng kakayahang makapagsarili.  Malaking katipiran ito sa gastos at oras para sa mga guro at iba pang kawani ng DepEd na dati ay kinakailangang bumiyahe sa lungsod ng Cabanatuan para sa kanilang mga pangangailangan.

Pinasinayaan sa Constancio Padilla National High School ang naturang Interim Division nitong Mayo 4 kung saan tinalaga bilang OIC at Asst. Division Superintendent si Dr. Alberto P. Saludez, Ph. D.  Dinaluhan ito ng mga guro, mga coordinator at tagapamanihala ng DepEd, at mga halal na lingkod bayan ng San Jose kasama si Mayor Marivic V. Belena.

Ayon kay Dr. Saludez, bibilis ang serbisyong pang-edukasyon sa lungsod dahil hindi na idadaan pa sa probinsiya ng Nueva Ecija ang mga komunikasyon at transaksiyon at diretso na sa pambansang tanggapan ng DepEd.  Aniya, hindi nahirapang itayo ang Interim Division dahil sa walang tigil na suportang pinansiyal at teknikal ng Local School Board sa pangunguna ni Mayor Marivic.

Saklaw ng dibisyon ang pamamalakad ng DepEd sa mga paaaralang elementarya at sekondarya.  Ito ang namamahala sa implementasyon ng mga programang pang-edukasyon at siyang sumusubaybay sa mga eskwelahan para mabatid ang kanilang hinaing o problema, at para mabantayan ang progreso sa edukasyon ng bawat paaralan ng lungsod ng San Jose.

One Response to “SAN JOSE, MAY SARILI NANG DIBISYON”

  • Marcos Vizon says:

    Dear Mr. Art Polo
    I’ve just tried opening this web of the school today. I was informed by Mr. Ineigo that it can not be connected to FB. Can you give us update on how this web page of the school be used. I can not open the rest of those pages in the original web pages. Thank you very much.

    Mr. Mark Vizon ( Constancio Padilla NHS )

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

Powered by WP Symposium - Social Networking for WordPress v12.02.04